Nung mag umpisa ako mag sulat, nagsimula ako sa tula, gaya ng mga sinabi ko noon sa ilang mga post at About Me page. After college, or during college, parang natigil ako sa pag susulat ko ng tula. Di ko alam. Napalitan siguro ng mga mas importanteng writing projects, assignments, at mga librong babasahin.

Ngayon, sinisimulan ko uli ang mag sulat ng tula. Ito ang naging daan ko noon para maka alis sa kalbaryo ng lungkot noon, at dito ko gusto kumuha ng lakas ngayon. Ilang araw ng nakakaraan, may humamon sa akin na gawing tula sa tagalog ang kantang Set You Free. Nagawa ko naman, at sa totoo lang, masaya ako na nakagagawa pa rin ako ng tula, kahit na parang tagalized version lang ito ng isang english na kanta. Sige, basahin nyo na.

Madalas na tayo naging tanga
Sa paniniwala sa mga katagang “mahal kita”
Pag ang pag mamahal ay naglaho at nawala
Tsaka tayo iiyak at luluha.
Kailan nga ba tayo matatauhan
Na tayo ay walang kahahantungan
Na ang pakawalan kita ay kailangan.

Marami na tayong pinagsamahan
Mga oras na walang katotohanan
Kaya heto, nagtatanong uli ako
Kailan ba natin maiintindihan
Na ikaw at ako’y di na dapat ipaglaban.

Kung ang mahalin ka ang tanging meron ako,
At ang kasiyahan mo ang hiling ko
Kung ganoon, ang mahalin ka
Ay ang bitiwan na kita.

Araw-araw nananatili ang pag mamahal
Lumalaki, lumalalim habang tumatagal
At sa tuwing tayo ay nag kikita
Ang iwanan ka ay di ko na magagawa.
Paano nga ba natin mapag tatanto
Kailangan ko nang bitiwan ang mga kamay mo?

Nais ko lang na mahalin ka
At pangarap ko na maging masaya ka
At kung ikaw ay mamahalin
Ikaw ay dapat ko nang palayain

Ngayon, ang pag ngiti ay pag luha,
At ang sakit ay di ko na maipagkakaila.
Meron nang sakit na di na makaya
Ang katotohanang ang landas natin ay mag iiba na.

Kung ang mahalin ka ay ang meron lang ako
At ang kasiyahan mo ang tangi ko lang gusto,
Ang mahalin kita ngayon
Ay ang palayain ka.

Advertisements