20160102_205856Aking mahal, kamusta?
Matagal din tayo di nagkita.
Sana ikaw ay ayos na,
sana’y mga ngiti ay maliwanag pa.

Matagal din tayo nagkalayo.
Nung ako’y iwan mo at ika’y iwan ko.
Ni minsan ay di naalis sa isip ko
ang makita ka at makita mo uli ako.

Minsan ay nasabi ko
gusto kita. Pero di mo ako gusto.
Nasaktan ako at nag hinagpis.
Iyon ang una kong paalam at pag-alis.

Tayo ay nagkita uli nanaman,
mas maayos abilang magkaibigan.
Ngayon ay ikaw naman
sa akin ay nagparamdam.

Tila sinusubok ang puso ko,
puso at isip ay nagulo.
Ikaw sa akin ay naguluhan,
ikaw naman ang nag paalam.

Tayo nanaman ay nagkitang muli,
Kaibigang matalik at mabuti.
Inaamin ko, mahal pa rin kita,
yan din kaya ang nararamdaman mo, sinta?

Mahal kita, sinta,
at maaaring mahal mo rin ako.
Pero di kjo na kaya pa
ang puso’t isip natin ay magulo.

Kaya heto ngayon ako,
tinatanaw ka sa malayo.
Di na uli magpapakita sa’yo,
ito na ang huling paalam ko.

*Note: Matagal-tagal na rin akong hindi sumusulat ng kahit ano mang tula. Eto na ata ang pinaka unang tula na nagawa ko matapos ang maraming buwan o taon na ba? Ito rin ang unang tula ko ngayong taon at umaasa ako na sana mas madagdagan pa ito. Sa tula ako nag simula at sana, maipagpatuloy ko ang pag sulat nito. Ang pg buo ng mga kwento dito. Gasya ng dati.

Hanggang sa muli, paalam.

Advertisements