A coin will always have two sides..

Nakatayo lang sa isang tabi,
Nakatingin ngunit iba ang nakikita.
Ano pa nga ba ang silbi
Kung ang hinahanap mo pa rin ay siya?

Sino nga ba ang hinahanap ng iyong mga mata
Sa tuwing nakatingin ka sa malayo?
Ako ba talaga o siya?
Umaasa na lang ba talaga ako?

Isa na lang ba akong panakip
Sa butas na iniwan niya?
Wala na ba talaga akong silbi
Kundi maging proxy niya?

Minsan naiisip ko,
Ano ba talaga ang nakikita mo?
Nakikita mo ba kung sino ako talaga?
O nakikita mo lang kung sino ang gusto mong makita?

Mawala man siya, andito pa rin ako,
Di man ako ang taong inaasahan nyo.
Mawala man ako at di nyo na hanapin,
Dito lang naman ako sa tabi-tabi’t naka tingin.

Masakit man aminin,
Panakip lang ako sa inyong paningin.
May sarili man akong katauhan,
Alam kong tinatawag mo pa rin ang kanyang pangalan.

Sana, sa pag lipas ng panahon,
Di na panakip ang tingin nyo.
Sana tawagin mo na rin ang pangalan ko,
Sa pag dating ng panahon.

image

Advertisements