Minsan may isang taong nag tanong sakin, “Pamimigay mo ba’ko?” Sumagot ako ng hindi. Pero depende pa rin iyon sa happiness nya. Di ko naman sya mapipilit kung di na sya masaya sakin di’ba?

unfoldinglove.com
from unfoldinglove.com

Sabi naman ng iba, kapag mahal mo, ipag laban mo. Pero yun pa rin ang sagot ko: depende yon sa happiness nya. Kung ipag lalaban ko ang isang tao na hindi na masaya sa akin, anong pang sense nun di’ba?

May ilang pag kakataon na rin noon, na kailangan ko mamili kung ipupursue ko ang isang tao. Mahalaga sa akin ang taong iyon. Siya ang naging inspiration ko sa maraming bagay. Siya yung taong hindi mo basta makakalimutan. Siya yung taong di madaling i let go. Sa kanya lang ako di maka move on. Alam kong masaya na sya, base sa nakikita ko. Kahit sa pictures lang. Pero andun pa rin yung hopefulness na sana, kahit minsan, kahit saglit lang, maging akin sya. Pero anong magagawa ko di’ba? Kung di sya happy, sino ako para pigilin sya?

Letting go

from http://www.liveluvcreate.com/image/letting_go_quote-318388.html
from http://www.liveluvcreate.com/image/letting_go_quote-318388.html

“Letting go is the hardest thing to do.” Yan ang isang bagay na nakatatak na sa isip ko dati pa. Pero kung iisipin, di naman talaga yung tao yung mahirap i-let go eh. Ang mahirap i let go is yung katotohanan na, after mo siyang pakawalan, di mo na maeexperience yung saya na kasama siya.

Sabi ng iba, kaduwagan raw ang mag let go sa taong mahal mo, or importante sayo. Dapat, ipinag lalaban. Pero pag ganun kasi, sarili mo lang iniisip mo. Di mo iniisip kung bakit gusto nyang i let go mo sya. Kung masya ba sya kasama mo. Pano kung sa pag hihiwalay o pag lalayo nyo sya sasaya? Ipag kakait mo ba sa kanya yun?

Kung iisipin, di mo naman talaga kayang i let go yung tao. Di mo sya makakalimutan. Pero makakaalis ka lang sa sakit na nararamdaman mo, once na accept mo na na di na magiging tulad ng dati.

Happiness Niya

Importante lagi ang happiness ng isang tao. Dun sya nakakaramdam ng kaluwagan ng loob, ng nararamdaman. Yung mga bagay na nakakapag pasaya sa kanya ang magiging outlet nya oras na makaramdam siya ng lungkot. Yung iba, depress eater. Kung baga e kumakain tuwing na dedepress. Yung iba naman, idinadaan sa music. Makikinig ng kung anong music para mawala ang depression niya. At yung iba naman, kung kinakailangan, lumalayo.

Happiness Ko

Pero paano naman yung happiness ko? Masaya ako sa kanya, masaya ako kasama siya, masayang malaman na anjan lang siya bilang isang kaibigan. Pero pag nawala siya? Well, kung saan siya mas masaya, masaya na rin ako. Pero ang tanong dun, “Am I truly happy?”  Pero kung pipigilan ko siya, pano naman yung happiness niya? Kung lalayo siya, pano yung happiness ko? Gulo di ba?

If you truly love her….

from onedirectionfanfiction.com
from onedirectionfanfiction.com

“Set her free.” Yun na talaga yung pinaka magandang sulusyon. Pinaka magandang compromise. Kelangan ng sacrifice. Kelangan mo i sacrifice yung happiness mo para maging masaya siya kasi sigurado ako, di mo rin kakayanin makita siyang malungkot, sa piling mo pa. Tingin ko, it’s better to get hurt letting go, than get hurt seeing that she’s hurt with you. Mas masakit yung makita mo syang nasasaktan dahil ikaw ang kasama niya. Tipong, “What the hell?! Anong ginawa ko nanaman?!” ganun. Mahirap. Pero dapat kayanin. Masakit, kaya nga may gamot, may alcohol, pampamanhid ng sugat, may mga kaibigang susuporta, at syempre, yung taong para sa’yo talaga eventually. There’s always somebody to fall back on. (Nakuha ko sa isang kanta galing sa isang movie.)

So be happy, and live life dahil di lang matatapos ang lahat sa kanya. Kung bumalik siya sa’yo, pwede kayo mag simula ng bagong chapter. Pwedeng mas magandang chapter, pwede pareho lang. Basta ang importante, hindi maging pangit ang chapter na yun. Ang importante, kahit anong mangyari, maipakita mong anjan ka lang para sa kanya. Bilang isang kaibigan, ka tropa, kainuman o kung ano pa man.

Advertisements