Habang nag hahanap hanap ako ng ilang articles sa pag susulat ng mga short stories at novels (aspiring writer e, pasensya na. hehehe.), isang blog ang nadaanan ko na may paksa sa pag susulat, at kung madali nga ba ito, gaya ng sabi ng ilan na hindi pa ito nasusubukan, o mahirap, gaya ng sabi ng mga nakapag sulat na ng mga akda sa blog, school news papers, mga tula sa tissue, at essays sa school. Sa tingin ko, depende sa point of view.

Point of view ng mga di pa nakakapag sulat (mga tipong required essays lang sa school ang isinusulat)

Sabi ng iba, madali lang naman raw ang mag sulat ng mga essay, short stories, serial stories, speeches, at articles para sa news paper ng school. Siguro, para sa kanila, madali lang ang mag sulat dahil na rin sa mga nakikita nilang may kakayahang mag sulat. Napapa bilib sila sa mga makapagbag damdaming essays, mabilisang pag gawa ng mga letter sa school, sa teachers, at sa iba pang tao, at pag hanga dahil naka abot sa deadline ang mga serialization na mga libro.

Maaaring dahil na rin ito sa pag bilib nila sa ganda ng pag kakagawa ng mga binabasa nila, kahit ano pa man ito. Bilang mga mambabasa, nagkakaroon sila ng malalaking respeto sa mga manunulat ng binabasa nilang mga akda. Andyan lagi yung admiration nila sa tuwing nababasa o nakikita nila ang mga akda na iyon. Bilib sa kakayahan ng mga manunulat. Kaya akala nila, madali lang para sa mga manunulat ang ginagawa nila.

Point of view ng mga manunulat (mga nakapag sulat na ng mga iba’t ibang essays, letter, short stores, at articles)

Para naman sa mga mismong manunulat, hindi naman ganun kadali mag sulat. Ang pinaka unang kalaban nila dito ay ang sarili nila. Dahil oras na mawalan sila ng kumpyansa sa sarili nila, tapos ang lahat (lalo na sa mga baguhang manunulat na sumusubok pa lang, pero ito talaga ang gustong gawin.) Isa pa sa mga kaaway nila dito ay ang pag labas-pasok ng mga idea sa isip nila. Maaaring maganda sa una, tapos biglang papangit. Malinaw sa una, tas lalabo at magiging magulo sa huli. At syempre, di mawawala ang mga mental block.

At hindi lang basta sa kagustuhang mag sulat lang nang gagaling lahat ng inspirasyon nila kaya sila nakakapag sulat. Sabi nga ni Hellionist na galing sa isang forum, “…hindi lang talent ang kailangan para maging isang writer. Hard work din. May talento nga pero hindi naman pinagyayaman, wala din. Magiging writer ka lang kung nagsusulat ka.”

Point of view ng isang parehong manunulat na dati’y di nakapag sulat (mga tipong noon ay tagahanga lang, pero eventually ay nakaka sulat na rin ng magagandang akda)

Bilang isang tao na hindi naman talaga nag susulat noon, madaling masasabi na hindi talaga madali ang mag sulat, kahit pa nakapag sulat na siya ngayon. Andun pa rin ang pag hanga sa iba, at paminsan minsan, paghanga sa sariling gawa habang sinasabing “Akalain mong kaya ko pala mag sulat ng ganun?” Sa totoo lang, di basta-basta ang maka sulat ng magagandang akda na hahangaan ng iba. At di lahat ng naisulat mo na sa tingin mo ay maganda ay hahangaan. Okaya, kahit di na hangaan ng iba. Kase kahit ikaw mismo, malalaman mo sa sarili mo, kung maganda nga ba ang naisulat mo.

Bilang isang tao naman na nagsusulat ngayon, masasabi pa rin na mahirap mag sulat. Sa pag susulat, may talent ka man o wala, hindi mawawala ang pag iisip. Iisip at iisip ka kahit talentado ka sa pag susulat, dahil wala namang flawless na akda sa unang bagsak. Kaya nga may tinatawag na editing. Dito, kakailanganin mo basahin ng paulit ulit ang gawa mo para masiguro mo na maganda nga ito sa paningin ng mambabasa.

Madaling magsuat. Para sa iba kase, kapag nakasulat ka ng magandang akda sa loob lang ng ilang minuto o araw, magaling ka na. Nakaka bilib. Ibig sabihin, madali lang sa’yo ang pag susulat. Para sa iba kase, mas madaling maipakita ang idea nila sa pag susulat. Di na nila kailangan mag isip masyado dahil alam na nila ang gusto nilang sabihin. Hindi rin madaling mag sulat. Kalaban mo ang sarili mo at ang isip mo. Tsaka mo na problemahin ang iisipin ng iba. Kapag may ipapakita ka na. Hindi madaling mag isip ng mga idea para sa isang kwento. At kung may naisip ka nang ilang idea para sa isang kwento, di rin madaling pag dugtung dugtungin ito.

Nasa sa’yo na talaga kung madali lang para sa’yo mag sulat o hindi. Ikaw yan. Dapat alam mo.

Advertisements