Sa pag daan ng panahon, hindi mawawala sa atin ang makinig ng music. Simula noon, kung saan radyo lang ang maaaring mapakinggan, hanggang sa nagkaroon ng mga plaka, tapes, cd, at ngayon, digital music. Kahit saan ka mag punta, di mawawala ang mga earphones sa tenga ng karamihan. Habang nag lalakad papunta ng school, habang nag aabang ng tren sa stasyon, habang nag iikot sa mall, sa loob ng jeep pauwi, at kung saan pa. Gamit ang iba’t ibang music players, iPod, o kahit cellphone, ayos na. Nakikinig sa iba’t-ibang banda, group singers, solo singers, local at international. Iba’t-ibang genre. Masasabi natin na marami nang napag daanan ang musika.

Kadalasan, dito tayo nakakakuha ng inspirasyon sa mga bagay bagay. Sa panliligaw, pagkakaroon ng lakas ng loob, at minsan, Ito rin ang nagiging dahilan kung bakit tayo napapangiti, o napapaiyak. Musika ang isang bagay na siguradong makakaramay mo sa bawat saya at lungkot na pinag dadaanan. Ito ang nag papaalala kung Nasaan na nga ba ang Barkada, nakakatulong na makapang Harana, napapaisip sa Halaga ng mga bagay bagay, nag papakilig sa mga Love Team, nag papalipad ng Airplanes, nakakapag pa hiling maging Billionaire, mapa Hawak Kamay sa isa’t isa sa pag kanta. Yung iba, Nang Dahil sa Pag Ibig sa kanilang Prinsesa, napapainom ng Beer at napupunta sa Alapaap habang nag sasayaw ng Huling El Bimbo.

Yung iba, nagiging Alipin na sa Kaleidoscope World ng pag ibig nila. They don’t notice The Time that they spent with their love ones kase siguradong Pa Pawiin ng minamahal nila ang lahat ng pagod, sakit, at luha. Kahit sinong Simpleng Tao na naka Tambay sa Tindahan ni Aling Nena, o kaya sa kahit saan man, di mawawala ang music. Yun ang isang bagay na maaaring pang hawakan ng kahit na sino na di sya nag iisa. Na ang Love Story man nya o Estudyante Blues ay di lang kanya. Na meron pala syang karamay.

Sa pakikinig ng music, tingin ko, mas makikilala natin ang ating sarili. Base sa kung anong klaseng kanta ang pinapakinggan. Anung genre. Sino kumanta. Sila yung magiging idolo. Sila yung mag bibigay ng inspiration. Sa mga kanta ang mensahe nila. Ito yung magiging identity mo sa iba. Kase ito yung pinapakinggan mo. Kase na aalign yung buhay mo, base sa kung ano yung nilalaman ng kanta. Bakit ka may favorite song? Kase nakaka relate ka. Bakit may kanta ka para sa taong mahal mo? Kase yun yung nag sasabi ng nararamdaman mo para sa kanya. Bakit may mga kanta para sa mga taong iniwan ka, iniwan mo, o nawala sa’yo? Kase yun yung nag sasabi ng mga bagay na gusto mo sana sabihin. At yung iba, nakikinig sa isang kanta na ginagawang inspirasyon para sa buhay nila. Para sa pangarap, pag-ibig, pamilya. Eto yung nagiging theme song ng buhay nila. Dahil para sa kanila, ganito dapat sila mag isip, ganito dapat mabuhay. Di mawawala kahit kailan ang musika sa buhay ng tao. Dahil di din naman mawawala ang gumagawa ng magagandang musika. Magagandang kanta, na maaaring humubog sa buhay ng tao.

Marami sa atin ang umaasa sa mga kanta para maka limot, maka alala, maka move on, at masabi ang mga bagay na di nila masabi. Marami ang nakikinig ng music bilang libangan. Marami ang nakakagawa ng magagandang musika nang dahil sa iba pang gumagawa nito. Isang simpleng kanta na maaaring magkaroon ng di ganun ka simpleng epekto sa buhay ng tao. Mga kanta na maaaring humubog sa Kung sino ka ngayon. Ikaw, Anong theme song ng buhay mo?

 

*Opinyon lang naman to.. :))

Advertisements