Masasabi ko na malaki na ang pinag bago ko sa pag susulat. Di na katulad ng dati na kahit anong papel, o masusulatan, masusulatan ko ng kahit maiikling tula lang, Ngayon, di na ganun ka dali. Para bang nawala yung “the writer in me.”

Ang Pag Babasa

Wala naman sa mga magulang ko ang may history sa writing. Accountant ang isa, Banking and Finance naman ang isa. Dahil siguro sa hilig ko ng pag babasa kaya ako nahilig din sa pag susulat. Simula ng matutuo ako mag basa noon, lahat ng pwedeng basahin ng isang bata, binabasa ko.

Elementary pa lang, madalas na ako sa library ng school namin, lalo na pag uwian. Mga fiction at kid’s books ang kadalasan kong binabasa. At nung may pag kakataon, naging member din ng Library Club. Nung mag high school, nahilig din ako sa mga fiction at sci-fi na libro ng library, at nag simula na rin bumili ng sariling mga libro.

Sa pag babasa, nakakalaya ako sa mundong ginagalawan ko. Nararanasan ko ang buhay ng mga karakter sa kwentong binabasa ko. Nararamdaman ang bawat saya, pagod, hirap, at tagumpay na naramdaman din nila. At galing dun, nagsimula akong gumawa ng mge kwento sa tula.

Ang Pag Susulat

Ang alam ko, nag simula ang hilig ko sa pag susulat nung mag ha high school na. Nakita ko na lang ang sarili ko na nag susulat ng mga tagalog na tula sa isang Composition Book na nirequire ng prof namin dati. Hindi rin naging problema sa akin angΒ  mga essay. Mas madali sa akin yun madalas kesa sa multiple choice. Kaya lang minsan, depende pa rin sa subject. πŸ˜›

Noon, nagkaroon ako ng isang note book na sinusulatan ko ng mga tula. sayang lang, wala na yung note book ko na yun. Sinubukan ko rin sumali sa staff ng School Paper namin, kaya lang, di ako natanggap.

Nung mag college ako, madalas sa fast food kami kumakain. At madalas din, napag didiskitahan ko yung resibo. Dun ako madalas mag sulat. Pero pag wala, tiis na lang muna sa tissue. Tingin ko, dahil doon kaya nahasa kahit papaano ang pag susulat ko.

Nasaan na ang Writer?

Yan din mismo ang tanong ko sa sarili.“Nasaan na nga ba ang pagiging manunulat ko noon?” Wala nang mga tula sa mga resibo ng mga kinakainan. Wala na ring mga tula sa likod ng note book. Kahit sa table manlang, o tinype sa cellphone, wala. Asan na nga ba sya?

Sa ngayon, nandun siguro sya sa sala. Nanunuod ng tv, nag lalaro ng computer, at nag tetext. Di pa sya nakakapag basa uli, kaya di pa rin siya makapag simulang mag sulat uli. Panahon na siguro para hugutin sa kailaliman ng teknolohiya ang manunulat para mag basa uli. Panahon na para kunin nya muli ang ballpen niya at mag sulat.

Wala namang ibang pwedeng sisihin ang manunulat kundi ang sarili niya. Madali siyang naapektuhan ng mga bagay bagay sa paligid. Di na niya nabalikan ang hilig nya sa pag babasa. Di na niya nabalikan ang hilig nya sa pag susulat. Siguro, panahon na para kunin uli ang mga resibo sa mga kinakainang fast food.

Advertisements