Change. Isa sa mga bagay na mahirap tanggapin ng karamihan sa atin. Change in family, change in friends, change ng lifestyle,  change in location, change in government, change sa work, change sa taong mahal natin, at ang pinaka mahirap tanggapin, change sa sarili at sa buhay natin. Mga pag-babago na makakabuti sana sa’tin pero hindi natin tinanggap. Pero bakit nga ba hirap tayo mag bago o tumanggap ng mga bagong bagay na makakapag bago ng buhay natin? Bagong trabaho at opportunity na makakapag padala sa’yo abroad? Bagong lifestyle na dahil sa mga hindi maiiwasang pang yayari e nag bago? Bagong school kung saan maraming bagong tao ang makikilala natin? Ang kadalasang sagot ng ibang mga tao ay hindi kasi sila sanay. Hindi nila maiwan ang dating trabaho at ayaw din naman nila umalis ng bansa. Hindi nila inaasahan kaya hindi sila nakapag handa. Ayaw nilang iwan ang friends nila. To make it simple, ayaw nilang umalis sa kanya-kanyang comfort zones nila.

Hindi naman talaga takot ang tao mag bago dahil kadalasan, yung ang hinahanap at hinihiling nila. Pero marami pa rin ang tumatanggi o hindi makapaniwala sa mga changes na pwedeng mangyari sa kanila. Dahil nasanay sila sa isang specific na lifestyle, konting pag babago lang, na paparaning na sila.

Isang magandang example ang “Who Moved My Cheese?” ni Spencer Johnson. Isang libro na maaaring tumulong sa tao kung paano mag handle ng change. Ipaparealize ng libro na ‘to na change is constant. Na normal at nanjan lang ang pag-babago, at hindi ka dapat matakot dito.

Change is constant. Sa physics, medyo magulo ang statement na’to. Pero sa buhay ng tao, normal lang. Kung kailangan mo mag bago para magustuhan ka ng ibang tao, kung kailangan mo mag bago ng trabaho para sa pamilya mo, kung kailangan mo mag bago ng mga kaibigan, , kung kailangan mo mag bago para sa sarili mo, sige lang, go! Wala naman pipigil sa’yo. Sarili mo lang.

Advertisements