Isa ito sa mga na publish na gawa ko galing sa school news paper namin. Sana magustuhan nyo.

Maraming desisyon na ang nagawa natin. Karamihan dito ay hindi natin inaasahan ang kinalabasan. Marami sa atin ang gustong ibalik muli ang nakaraan para maitama ang maling desisyon na kanilang nagawa. Ngunit mayroon ding ilan na “babawi” na lang para sa maling desisyon na kanilang nagawa. 

Marami sa atin ang hindi na naiisip na gawing masaya ang samahan. Naiisip na lang nila ito pag may nagawa na silang kasalanan. Bibili ng kung anu-ano para ibigay sa nasaktan nila para sumaya. Para mapatawad sila. Hindi na naisip gawin ito habang masaya pa dahil masaya naman sila. Pero kahit ganun, isang maling bagay lang, malaki na ang pag-babago. Sasabihin na babawi na lang para hindi na magalit, hindi na mag tampo. 

Pero may nakapag sabi sa akin: “paano ka pa babawi e nangyari na?” Sinagot ko sya ng “basta, babawi ako. Sa ibang paraan.” At ang kinalabasan, napasaya ko sya. Pero ngayon naisip ko, paano kung hindi na pwedeng bumawi? Paano kung dahil sa maling desisyon, hindi naging maganda ang kinalabasan? Paano kung dahil dun, nagka problema kayo ng taong pinahahalagahan mo? Paano kung yung taong yun e kailangan na palang umalis? Paano ka pa babawi?

Hindi maiiwasan ang mga maling desisyon. Hindi rin tayo makaka sigurado kung makakabawi pa nga ba tayo. Ano pa ba ang pwedeng gawin? Maaaring mawalan na tayo ng tsansa para makabawi sa pag kakamali. Kaya dapat, mag ingat tayo sa pag dedesisyon lalo na kung makaka apekto ito sa mga taong importante sa atin. Sa bawat oras, minuto at segundo na kasama natin sila, ang dapat na iniisip natin ay ang mapasaya sila. 

Karamihan sa atin ay nahuhuli na. Hindi na nakakabawi sa maling nagawa. Kahit napasaya natin noon ang isang tao, kadalasan ay bigo pa rin tayo. Oras na masaktan mo ang isang tao, kahit ano pa ang magandang nangyari noon, malaki ang pag-babago. Pero may mag tatanong: “Bakit pa natin kailangan pasayahin ang isang tao kung mwawalan din lang ng epekto?” Sa maraming dahilan, ganun talaga. Nag lalagay tayo ng masasayang ala-ala sa isip ng isa’t-isa para hindi magkalimutan. Oo hindi na kayo mag kakaayos uli. Hindi ka na makakabawi. Pero ang mahalaga ay alam mo na naging mabuti kayong mag kaibigan sa kabila ng lahat. Hindi ka man makabawi, maaari ka pa rin namang mabigyang\ ng tsansa para makapag simula uli. 

“Paano mo pa mababawi e nangyari na?” Sa madlaing salita, di mo na mababawi. Pwede ka mag-sorry. Maging masaya uli kasama siya. Pero hindi na katulad ng dati. Wag mong hahayaan na hindi maging maganda ang samahan nyo. Maaaring hindi na katulad ng dati, pero maaaring huigit pa sa inaasahan. Hindi pag bawi ang tawag dito. Ang tawag dito ay pagvsisimula uli ng maganda at masayang pag kakaibigan. 

Sa panahon ngayon, marami na ang di na mababawi. Relasyon, pag kakaibigan, pamilya, tiwala, pag mamahal, oras, buhay. Di na mababawi. Mabawi man ay matagal bago mangyari. Ikaw? Handa ka bang hindi mabawi ang mga bagay na to? O gagawa ka ng paraan para hindi ka mabigyan ng rason para bumawi?

Advertisements